Upgrade sa IT system ng PhilHealth, dapat panghimasukan na muna ng pamahalaan

Umapela si Deputy Speaker at CIBAC Partylist Representative Bro. Eddie Villanueva sa pamahalaan na siya munang kumilos para sa upgrade ng Information Technology (IT) system ng PhilHealth.

Tinukoy ni Villanueva ang kahalagahan ng pinahusay na IT system upang hindi na maulit ang mga katiwalian sa claims sa hinaharap.

Inirekomenda ng kongresista na ipaubaya sa PhilHealth Board of Directors o sa Procurement System ng Department of Budget and Management (DBM) ang procurement process para IT system.


Nababahala ang mambabatas na hangga’t walang sistematikong reporma sa PhilHealth ay tiyak na malalantad sa pagnanakaw at korapsyon ang pera ng ahensya.

Kinakailangan na rin aniya ang agarang upgrade sa sistema ng PhilHealth upang hindi mapurnada ang ibang nakabinbin na payments at disbursements sa mga pasyenteng miyembro nito.

Mababatid na natigil ang pagbili sa computers at laptops para sa IT system matapos na matuklasang overpriced ng ₱734 million ang ICT budget ng PhilHealth.

Facebook Comments