Friday, January 16, 2026

UPI rally sa People Power Monument, posibleng pinondohan —AFP

Iniimbestigahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung Pilipino ba o dayuhan ang nagpopondo sa United Peoples Initiatives (UPI) matapos nilang magkasa ng malakihang rally sa People Power Monument noong nakaraang mga araw.

Tinawag ni AFP Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na “unusual” ang nasabing isinagawang rally ng UPI.

Matapos nilang mapansin na tila planado at grande ang naging preparasyon ng nasabing naganap na kilos-protesta.

Ang UPI ay binubuo ng ilang mga retired officials ng AFP, religious groups, at iba pang mga grupo.

Kaugnay nito, binigyang-diin muli ni Trinidad na hindi sasama ang AFP sa mga unconstitutional na gawain at mananatiling propesyonal, non-partisan, at tapat sa konstitusyon ng bansa.

Facebook Comments