
Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Committee upang pag-aralan ang mga hakbang sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Tinalakay sa pulong ang mga rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) tungkol sa excise tax, at iba pang hakbang para agad maibsan ang epekto ng mahal na langis sa mga pasahero, manggagawa, at pamilyang Pilipino.
Pero ayon sa Presidential Communications Office (PCO), wala pang inilalabas na desisyon ang Pangulo kung tatanggalin o babawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na kahapon sana magdidesisyon ang Pangulo sa naging rekomendasyon ng DBCC, ngunit itinuloy muna ang masusing pag-aaral bago maglabas ng pinal na aksyon.










