Cauayan City, Isabela- Pansamantala munang ipinagbabawal ngayon ang pagkakatay ng baboy sa mga barangay o ‘uraga’ system dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF).
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Retired General Jimmy Rivera, pinuno ng Task Force Oink-oink sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.
Hinihikayat nito ang mga opisyal at residente ng barangay na iwasan muna ang ganitong sistema ng pagbebenta ng karne ng baboy.
Isa kasi aniya ito sa duda ng DA Region 02 kung kaya’t may mga nakalusot na karne ng baboy sa Lalawigan ng Kalinga na may ASF.
Dagdag dito, patuloy pa rin ang masusing inspeksyon ng Task force oink-oink sa Lalawigan upang mapigilan ang pagpasok ng mga kontaminadong karne ng baboy o meat products na may ASF.
Facebook Comments