Manila, Philippines – Umaabot na sa mahigit isang bilyong piso ang iniwang pinsala ni bagyong Urduja sa mga proyektong pang impra straktura at produktong agrikultura sa limang rehiyon sa Visayas at Mindanao.
Sa press briefing, sinabi ni NDRRMC spokesperson Mina Marasigan na nasa 869 million ang nasirang infrastructure; 581 million sa agriculture sa Mimaropa, Region 5 at Region ,5, 7,8,11.
Naidagdag naman ang Borongan Eastern Samar sa labing tatlong munisipalidad na isinailalim sa state of calamity.
May 668 families naman ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers dahil sa Urduja sa Biliran, Camarines Sur at Norte at Masbate.
Dahil naman sa bagyong Vinta, nasa 12,760 na pamilya ang lumikas na sa may 211 evacuation centers sa Mimaropa, Region 10,11 at Caraga Region.