Urgent motion to resolve TRO ng PECO sa Court of Appeals, hiniling na aksiyunan na

Kinalampag ng Panay Electric Company ang Court of Appeals para aksyunan na ang kanilang ng hirit na TRO laban sa MORE Electric and Power Corporation.

Ito ay sa pamamagitan ng urgent motion to resolve TRO ng PECO.

Ayon kay PECO Legal Counsel Atty. Estrella Elamparo, isinampa nila ang mosyon kasunod na rin ng kautusan ng Iloilo RTC na dapat ituloy ng PECO ang operasyon nito.


Sinabi ni Elamparo na sinabi sa ruling ng Iloilo Court na taliwas sa kautusan nito ang ginawang pag-take over ng MORE sa mga pasilidad nito.

Nilinaw anya ng Iloilo RTC sa desisyon nito na dapat ang pag-take over ay mahigpit na sumunod sa addendum kung saan ang addendum ay nakasaad na dapat magpatuloy ng operasyon ang PECO.

Umaasa ang PECO na maipapatupad nila sa lalong madaling panahon ang court order mula sa Iloilo RTC.

Dahil dito, iginiit ni Elamparo na hindi pa tapos ang laban at premature pa ang pagdiriwang ng MORE.

Samantala, Nagbabala din ang Panay Electric Company ng posibilidad ng malawakang brownout sa Iloilo kasunod ng iligal na pagtake over umano ng MORE Electric and Power Corporation sa mga pasilidad ng PECO.

Ayon kay Marcel Cacho, Head ng Public Engagement and Government Affairs ng PECO, maliban sa mga brownout ay asahan rin ang pagtaas umano ng singil sa kuryente sa Iloilo.

Giit ni Cacho, ang ipinamamahaging kuryente ngayon ng MORE ay binili pa umano ng PECO pero ang MORE ang nakikinabang dahil sila ang naniningil sa mga consumer.

Dagdag pa ni Cacho marami na ring consumer ang nalilito sa sitwasyon dahil pinalitan rin ng MORE ang mga metro ng kuryente ng walang paalam mula sa consumer.

Facebook Comments