Uri ng bomba na ginamit sa Jolo twin bombing, natukoy na

Gumamit ang mga suspek sa pagpapasabog sa Jolo Sulu ng ammonium nitrate, fuel oil o ANFO para makabuo ng Improvised Explosive Device (IED).

Ito ang lumabas sa post blast investigation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ang naganap na twin bombing sa Jolo, Sulu kamakalawa.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Lt. Col. Gerry Besana, na batay sa imbestigasyon, cellphone ang ginamit na triggering device ng mga suspek at inilagay aniya sa tubo ang mga sangkap bilang IED.


Dahil dito malinaw na ngayon na kagagawan ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang pagpapasabog dahil ito ang kanilang signature sa paggawa ng bomba.

Inihayag pa ng opisyal na ang IED na sumabog sa Mount Carmel Cathedral ay kahalintulad din sa nangyaring pagsabog noon sa Lamitan, Basilan.

Facebook Comments