Uri ng diskriminasyon laban sa LGBT na dapat parusahan, pinalawak pa ng isang senador

Manila, Philippines – Inihain ni Senator Imee Marcos ang Senate Bill 412 ni Marcos na nagbibigay-proteksyon sa mga transgender women at iba pang miyembro na LGBT Community laban sa anumang uri ng pamamahiya dahil sa kanilang kasarian.

Nakapaloob sa panukala ang pagpapalawak sa saklaw ng uri o paraan ng diskriminasyon laban sa mga kasapi ng LGBT na dapat maparusahan.

Inihalimbawa ni Marcos ang nangyari sa isang mall sa Cubao, Quezon City kung saan pinagbawalan na gumamit ng comfort room na pangbabae ang isang transgender woman.


Sa panukala ni Marcos, ituturing din na diskriminasyon sa LGBT community ang pagtanggi sa isang batang mag-enroll sa paaralan dahil sa kasarian ng magulang, pagsikil sa kalayaan ng batang ihayag ang kanyang kasarian.

Gayundin ang hindi pagpayag sa kanila na gumamit ng mga pampublikong palikuran o pasilidad na angkop sa kanila at pamamahiya sa publiko dahil sa kanilang kasarian.

Magbabayad ng aabot sa P100,000 o kulong ng isa hanggang anim na taon ang sinumang mapatunayang nag-discriminate sa mga miyembro ng LGBT community.

Nais ni Marcos na maramdaman ng LGBT community ang normal na pagtanggap sa kanila ng lipunan partikular sa mga pampublikong lugar tulad ng mall, restaurant, paaralan, trabaho at higit sa kanilang pamilya.

Facebook Comments