URN NINAKAW SA MISMONG SEMENTERYO SA SAN JACINTO PANGASINAN

SAN JACINTO, PANGASINAN – Tinangay umano ang isang urn sa isang sementeryo sa San Jacinto Pangasinan.

Ayon sa otoridad, nagpunta sa himpilan ng pulisya si Alberto De Guzman, 62 anyos ng barangay pagasa at inireklamo ang pagkawala ng urn na naglalaman ng abo ng kaniyang misis sa public cemetery.

Sa isinagawang follow up investigation, huling inilibing ito ng kaniyang pamilya noong ika-7 ng Oktubre ngunit noong ika-24 ng Oktubre nadiskubre na wala na ang urn matapos makita na wasak ang nitso kung saan ito nakalagay.


Sa isang facebook post, umapela si De Guzman na kahit abo na lamang ang ibalik sa kanila sa mga tumangay ng urn.

Nagsasagawa ang mga pulis ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang tumangay ng urn.###

Facebook Comments