US Ambassador Sung Kim, ginawaran ng Order of Sikatuna ni Pangulong Duterte

177

Binigyang pagkilala ni Pangulong Rodrigo Duterte si United States Ambassador Sung Kim matapos ang halos apat na taong paglilingkod sa Pilipinas.

Ginawaran ng Pangulo si Kim ng Order of Sikatuna na may ranggong Datu kasabay ng farewell call ng US envoy sa Malacañang.

Ang Order of Sikatuna ay isang diplomatic merit na iginagawad sa mga indibidwal na nagbigay ng hindi matatawarang serbisyo sa bansa.

“The President expressed appreciation for Ambassador Kim’s vital contributions in strengthening the alliance and partnership between the Philippines and the United States,” ayon sa Malacañang.

Tiniyak naman ni Kim na patuloy ang commitment ng Washington bilang kaalyado ng Manila.

Sa ilalim ng panunungkulan ni Kim, naibalik ang makasaysayang Balangiga Bells noong 2018.

Sa Indonesia susunod na manunungkulan si Kim.




Facebook Comments