US anti-ship missile system, nasa bansa na

Dumating na sa bansa ang US-made anti-ship missile system na Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System (NMESIS) na gagamitin sa Balikatan Exercises ngayong April 21,2025.

Bagama’t hindi na sinabi ni Armed Forces of the Philippines o AFP Balikatan Exercise Director BGen. Michael Logico kung nasaan espesipikong lugar ang NMESIS handa na aniya ang high-tech na sistemang ito para sa Balikatan Exercise.

Maliban sa NMESIS, inaasahan din ang pagdadala ng iba pang makabagong kagamitan para sa integrated air at missile defense ng dalawang bansa.

Matatandaang una nang sinabi ni United States Defense Secretary Pete Hegseth matapos makipagpulong kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na nais nilang mare-establish ang “deterrence” sa Indo-Pacific Region para maging malaya ang Pilipinas sa anumang banta.

Ang NMESIS ay isang makabagong coastal anti-ship missile system na idinisenyo upang magsagawa ng mga mobile at nakabatay sa lupa na pag-atake sa karagatan kung saan mahirap itong ma-detect ng kalaban.

Inaasahang malaki ang maitutulong nito sa pagpapalakas ng puwersang pandigma, lalo na sa mga lugar na labis na pinagtatalunan.

Facebook Comments