US, binalaan ni Pangulong Duterte laban sa dalawang malaking triad group sa Asia

Manila, Philippines – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos laban sa dalawang sindikato na nag-ooperate ng iligal na droga sa buong Asia.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte kagabi ay sinabi nito na posibleng gawing target ng 14k at bamboo triad ang Estados Unidos dahil mayaman itong bansa.

Bahala na aniya ang US kung pakikinggan siya o hindi basta nasabi niya ang dapat niyang sa ihin.


Paliwanag ng pangulo, ngayon ay hawak ng dalawang grupo ng triad ang operasyon ng iligal na droga sa malaking bahagi ng Asia.

Nabatid naman na bukod sa iligal na droga ay mayroon ding weapons trading, human trafficking at marami pang ibang iligal na gawain na inooperate ng 14k at bamboo triad na mula Taiwan.

Facebook Comments