US bumubuo na ng Global Coalition laban sa Iran

Tila nagmamadali ngayon ang Estados Unidos na bumuo ng Global Coalition o pagtipon ng mga kaalyadong bansa laban sa Iran.

Kasabay ito ng pag-amin ni US Secretary of State Mike Pompeo ng kaniyang pagbiyahe sa Saudi Arabia at United Arab Emirates (UAE) dahil sa isyu ng crisis sa Iran.

Ayon kay Pompeo, ang pagbisita niya sa dalawang bansa ay para personal na tutukan ang pagbuo ng Global Coalition.


Sa kabila nito, sinabi ni Pompeo na handa pa rin silang makipagnegosasyon sa Iran pero dapat wala umanong mga “pre-conditions.”

Nabatid na nasa Israel ang National Security Adviser ni US President Donald Trump na si Secretarty John Bolton, para makipagpulong kay Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Jerusalem.

Kasabay nito, umapela naman si Minister of State for Foreign Affairs Anwar Gargash na idaan sa dayalogo ang gusot sa dalawang rehiyon.

Facebook Comments