US-China trade war dapat nang resolbahin

Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa nagaganap na US-China trade war.

Sa intervention ni Pangulong Duterte sa ASEAN Plenary ay sinabi nito na gumagawa ng uncertainty o duda ang nagpapatuloy na girian ng US at ng China sa usapin ng trade.

Sinabi ni Pangulong Duterte na posibleng magdulot ito ng pagbagal o makapigil pa sa Economic integration sa ASEAN Region.


Dapat aniya ay resolbahin ng US at ng China ang issue na ito bago pa ito lumala at dapat din aniyang palakasin pa ng ASEAN Countries ang suporta ng mga ito sa rules-based at open na multilateral trading system.

Binigyang diin din ni Pangulong Duteret na dapat ay tutulan ng ASEAN ang zero-sum approach sa international economic relations at suportahan ang ASEAN single window na mas matibay na hakbang para sa mas mabilis na cross-border trade.

Paliwanag ni Pangulong Duterte, sa pagsuulong ng paglago ng ekonomiya, dapat ay hindi competitors ang tingin ng bawat isa kundi ay kabahagi sa paglago.

Facebook Comments