Nakatakdang bumisita sa Southeast Asia si US Defense Secretary Lloyd Austin kung saan kabilang ang Pilipinas, Singapore at Vietnam sa mga bansang kaniyang pupuntahan.
Ayon kay Pentagon Spokesman John Kirby, magsisimula ang pagbisita ni Austin sa July 23 kung saan ilalatag ang kahalagahan ng administrasyon nina US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris sa Southeast Asia at ASEAN bilang parte ng Indo-Pacific’s architecture.
Maliban dito, sinabi naman ng US Embassy na magiging dahilan din ng pagbisita na malaman kung kailangang magpadala ng tulong dahil sa ginagawang impluwensiya ng China sa West Philippine Sea.
Facebook Comments