US Defense Secretary Mark Esper pabor na magkaroon ng rebisyon ang mutual defense treaty sa pagitan ng Amerika at Pilipinas

Walang problema kay United States Defense Secretary Mark Esper kung magkaroon ng rebisyon o baguhin ang mga nakapaloob sa mutual defense treaty ng Pilipinas at Amerika.

 

Ayon kay Secretary Esper magandang nare- review ang mga ganitong kasunduan upang mas maging maganda ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

 

Naniniwala ang kalihim na ang ganitong hakbang ay nagpapahayag ng mas malakas na relasyon para sa US at Philippine Military.


 

 

Sinabi naman ni Defense Sec Defin Lorenzana na inisyatibo nya ang pagkakaroon ng rebisyon sa mutual defense treaty.

 

Aniya taong 1951 nang mabuo ang kasunduan kaya napapanahon na para magkaroon ng pagbabago sa mga nakapaaloob dito.

 

Kanina bumisita si Secretary Esper sa Department of  National Defense Building sa Camp Aguinaldo at nagkroon sila ng maikling pagpupulong o bilateral meeting ni Sec Lorenzana.

 

Napagusapan nila kung paano mas mapapatatag ang relasyon US at Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga military exercises.

Facebook Comments