US Department, bumuo na ng task force na magbabantay sa nagbabantang giyera sa Ethiopia

Bumuo ng bagong task force ang United States Department na tutulong sa Ethiopia para ibalik ang katahimikan sa nasabing bansa.

Sa gitna ito ng nararanasang kaguluhan sa Ethiopia sa pagitan ng military government at ng Tigray People’s Liberation Front (TPLF) at Oromo Liberation Army (OLA).

Ang grupo ay pinangalalang Ethiopia Conflict Task Force na layong bantayan ang seguridad sa nasabing bansa dahil sa lumalalang sitwasyon dito na kasalukuyan ay nasa Alert Level 4.


Ayon sa tagapagsalita ng state department, kabilang sa babantayan ng task force ay ang mga commercial flight patungo at palabas ng bansa maging ang kalagayan ng kanilang ng citizens doon.

Nananawagan naman si Secretary of State Antony Blinken sa Prime Minister ng Ethiopia na si Abiy Ahmed na itigil muna ang mga military campaign maging ang air strikes sa TPLF at OLA.

Sa ngayon, walong grupo pa ang lumahok sa Tigray People’s Liberation Front na umaatake sa Ethiopia’s army.

Facebook Comments