US DOJ at Homeland Security, nagtungo sa Comelec para humingi ng mga dagdag dokumento laban kay dating Chairman Andres Bautista

Kinumpirma ni Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na nagtungo sa kanilang tanggapan ang US Department of Justice at Homeland Security.

Ito ay para humingi ng mga karagdagang dokumento na may kinalaman sa kasong kinasasangkutan ni dating Comelec Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Garcia, kinumpirma sa kanya ng mga kinatawan ng US DOJ at Homeland Security na may naisampang kaso sa isang District Court laban kay Bautista.


Agad naman daw naibigay ng Comelec ang mga dokumento na hinihingi ng US DOJ upang mapalakas ang kaso laban sa dating Comelec Chairman.

Sinabi pa ni Garcia na meron daw na mga direktor ng Comelec ang nadadawit sa kaso ni Bautista pero titingnan pa nila kung dapat bang patawan ng suspensyon ang mga ito.

Si Bautista ay kasalukuyang nagtatago sa Amerika at nahaharap sa kasong Money Laundering matapos siyang tumanggap ng malaking pera mula sa Smartmatic noong 2016 elections.

Facebook Comments