MANILA – Inilathala ng pahayagangManila Timesang umano’y blueprint si dating U-S ambassador to the Philippines Philip Goldberg para mapatalsik sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.Si Golberg ang palaging minumura ni Pangulong Duterte dahil sa pangingialam nito sa eleksyon at mga isyu sa bansa.Laman aniya ng blueprint ang detalyadong stratehiya na inirekomenda ni Goldberg sa U-S state department kasama sa pagpapaigting ng pagkakadismaya ng publiko kay Pangulong Duterte dahil sa umano’y hindi niya natupad na pangako noong kampanya, paghiwalay ng Pilipinas sa ibang bansa sa ASEAN sa pamamagitan ng pagbibigay ng military assistance ng U-S sa ibang bansa sa rehiyon at pag blackmail sa iba pang bansang miyembro ng ASEAN para limitahan ang pakikipagkalakalan sa Pilipinas.Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, kung totoo ang ulat, maituturing itong seryosong bagay dahil may epekto ito hindi lang sa political stability ng bansa kundi pati na rin sa relasyon nito sa Amerika.Balak aniya nito na paimbestigahan na sa kongreso.Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – hindi maaalis sa pwesto si Pangulong Duterte dahil sa malaki ang tiwala ng taumbayan sa kanya.Itinanggi naman ng US embassy ang sinasabing ‘Goldberg blueprint’ at ipinahayag na ginagalang nila ang soberenya ng Pilipinas at paghalal nito ng pinuno.Itinuturing ng U-S na isa sa pinakaimportanteng alyansa nito ay ang ugnayan sa Pilipinas.
Us Embassy, Itinaggi Ang Umano’Y Blueprint Ni Dating Us Ambassador Philip Goldberg Na Planong Patalsikin Sa Pwesto Si Pa
Facebook Comments