Manila, Philippines – Kasunod ng bakbakan ng militar at Maute Group sa Marawi City, naglabas ngayon ng advisory ang US Embassy sa Maynila para sa kanilang mga mamamayan.
Ayon sa embahada – bagamat wala silang impormasyon na may direktang banta sa mga Amerikano ang mga nagaganap sa marawi, pinapayuhan pa rin nila ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang mga matataong lugar at manatiling mapagmatyag sa lahat ng oras.
Sa ngayon, sinuspinde muna ang mission personnel travel patungong Mindanao kasunod ng deklarasyon ng Martial Law.
Muli rin nilang pinaalala ang worldwide caution kung saan nakasaad na may umiiral na banta ng terorismo at karahasan laban sa mga U-S citizens sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.
DZXL558
Facebook Comments