US, handang i-pull out ang pwersa nito sa Afghanistan

Tiniyak ng Estados Unidos na babawiin nito ang kanilang pwersa sa Afghanistan para matapos na ang higit 17 taong digmaan.

Ito ay matapos magkaroon ng pag-uusap ang Amerika sa Afghan Taliban Militants.

Ayon sa isang U.S. senior government official, naging progresibo ang pag-uusap sa rebeldeng Taliban tungkol sa troop pullout, subalit marami pang negosasyon ang kailangan tungkol sa ceasefire.


Hindi hangad ng U.S. na magkaroon ng permanenteng presensya ng kanilang militar sa Afghanistan at nais lamang nito na maibalik ang kapayapaan sa bansa.

Matatandaang plano ni U.S. President Donald Trump na pauwiin na ang higit 5,000 mula sa 14,000 U.S. Troops sa Afghanistan.

Facebook Comments