US lawmakers, binanatan ng mga kongresista matapos na tuligsain ang Pangulo at bantaang huwag pumasok ng White House

Manila, Philippines – Sinopla ng mga kongresista ang mga US lawmakers na pakialaman ang sarili nilang problema at huwag ang problema ng bansa.

Ito ay matapos tuligsain ng mga mambabatas ng Amerika ang Pangulong Duterte sa kanyang paraan sa paglaban sa iligal na droga at nagsabi pang huwag papasukin ng White House ang Presidente sa kanilang Human Rights Committee hearing.

Paalala ni PBA PL Rep. Jericho Nograles sa US lawmakers, irespeto ang independence at kilalanin ang soberenya ng bansa.


Mas dapat aniyang pagtuunan ng mga mambabatas ng Amerika ang kanilang problema at huwag manghimasok sa isyu ng bansa dahil hindi naman nakikialam ang Pilipinas sa suliranin ng Estados Unidos.

Minaliit naman ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang posisyon ng US lawmakers at sinabi nitong mas matimbang pa rin ang opinyon ng mga Pilipino at hindi ng mga dayuhang mambabatas.

Para naman kay ACTS-OFW PL Rep. John Bertiz, wala namang pakialam ang Pangulo sa kung anong sasabihin o opinyon ng mga kritiko nito, mahalaga ay nagagawa nito ang kanyang trabaho.

Facebook Comments