Mind your own business, scratch your own galis at huwag makialam sa Pilipinas.
Ito ang mensahe ni Senate President Vicente Tito Sotto III sa 45 miyembro ng House of Representatives sa Estados Unidos na nagpadala ng liham sa Ambassador ng Pilipinas.
Sa liham ay nakasaad na nakikiisa sila sa panawagan na i-repeal o ibasura ang ating bagong pasang Anti-Terrorism Law dahil may dulot daw na panganib sa karapatang pantao.
Diin ni Sotto, ang dapat pakialaman ng US lawmakers ay ang kanilang Anti-Terrorism Law na tinatawag na Homeland Security Act na mas matindi at mas mahigpit.
Naniniwala si Sotto na misinformed o mali ang impormasyong nakukuha ng naturang US lawmakers na posibleng nabasa lang nila sa social media.
Facebook Comments