US Marine Joseph Scott Pemberton pinalaya na ng Olongapo RTC

Iniutos na ng Olongapo Regional Trial Court (RTC) ang maagang pagpapalaya kay US Marine Joseph Scott Pemberton.

Sa desisyon ng Olongapo RTC, kwalipikado si Pemberton sa Good Conduct Time Allowance o GCTA dahil sa pagsunod sa mga regulasyong pinaiiral ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa magandang asal habang nasa loob ng piitan sa nakalipas na anim na taon.

Si Pemberton ay nahatulang makulong ng sampung taon dahil sa pagpatay kay Jennifer Laude, ang transgender woman sa Olongapo noong Agosto 2014.


Pero dahil sa pagpapakita ng kagandahang asal at pagbabayad sa civil at moral damages sa pamilya ng biktima na nagkakahalaga ng 4.2 million pesos ay pinayagan ng korte ang maaga niyang paglaya.

Noong nakaraang buwan ay inaprubahan ng Court of Appeals ang pagbawi ni Pemberton sa kanyang apela.

Sa Agosto 2024 pa sana ang nakatakdang paglaya ng US Marine.

Facebook Comments