US Marine Lance Joseph Scott Pemberton, kailangan pang makulong ng 10 buwan, ayon sa BuCor

Lumabas sa isinagawang computation ng Bureau of Corrections (BuCor) na kulang pa ng 10 buwan ang pagkakakulong ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na pumatay sa transgender woman na si Jeffrey alyas Jennifer Laude.

Dahil dito, ipinaliwanag ng BuCor kung bakit nagkaroon ng hindi tugma sa kanilang computation ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) laban kay Pemberton.

Ayon sa BuCor, hindi raw kasi nila isinama ang isang taong pagkakakulong ni Pemberton bago masintensiyahan noong December 2015 at hindi pa nila hawak ang sundalo.


Aniya, ang tanging awtorisadong magbigay ng GCTA credits sa kaniya ay ang pinuno o jailwarden lang ng piitan kung saan siya nakapiit.

Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na maghahain sila ng motion for reconsideration para pigilan ang maagang paglaya ng naturang suspek.

Facebook Comments