US, muling iginiit ang Iran sa pag-atake sa 2 oil tankers sa Gulf of Oman

Hindi tinanggap ni US President Donald Trump ang paggiit ng Iran na wala silang kinalaman sa pag-atake sa dalawang oil tankers sa Gulf of Oman.

Dito ay naglabas si Trump ng footage kung saan makikita ang Iranian forces lulan ng isang maliit na bangka kinukuha ang isang explosive mine na hindi sumabog sa isang barko.

Ayon kay US Defense Secretary Patrick Shanahan – nagbabahagi ng intel ng US para magtatag ng international consensus sa tinuturing na international problem.


Giit naman ni UN Secretary General Antonio Guterres – kailangang “clearly established” ang mga paratang.

Nagbabala naman ang Russia laban sa US na huwag magpadalos-dalos sa konklusyon.

Inaakusahan naman ni Iranian President Hassan Rouhani ang Amerika na nagdudulot ng sersoyong banta sa stability ng Middle East.

Facebook Comments