US nag-donate sa PNP ng isang pasilidad para sa counter terrorism training na itatayo sa Cavite

306

Sa kabila ng tila pagdistansya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos, tuloy ang pagbibigay tulong nito sa Pilipinas.

Sa katunayan ay isang State of the Art Counter Terrorism Facility ang itatayo sa lalawigan ng Cavite sa tulong ng Estados Unidos.


Ito ay matapos pumirma si Police General Oscar Albayalde at Deputy Chief of Mission John Law ng US Embassy Manila ng Memorandum of Understanding (MOU) para dito.

Ang halaga ng kabuuang donasyon ay aabot sa 520 million pesos kung saan 350 million pesos ang ilalaan para sa training facility.

Itatayo ito sa area na sakop ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.

Sinabi ni PNP chief, bahagi ito ng mas pinaigting na partnership sa pagitan ng Amerika at Pilipinas para sa kampanya kontra sa terorismo.

Gusto ng hepe ng Pambansang Pulisya na ang mga bagong limang battalion ng PNP SAF na sumasailalim sa training ay ang unang batch na sasalang sa counter terrorism training sa itatayong pasilidad.

Facebook Comments

From Advertisers