Itinaas ng Estados Unidos ang travel alert para sa Pilipinas bunga ng mataas na lebel ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon sa United States Department of State, ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay nag-isyu ng Level 4 Travel Health Notice sa Pilipinas.
Alinsunod sa CDC guidelines, pinapayuhan ang mga Amerikanong biyahero na iwasang bumiyahe sa Pilipinas, kahit ang mga indibiduwal na nabakunahan na laban sa COVID-19 dahil sa pangambang makakuha sila at maikalat ang COVID-19 variants.
Sa mga kailangan pa ring bumiyahe sa Pilipinas sa kabila ng umiiral na sitwasyon ay pinayuhang magpabakuna bago ang kanilang biyahe at sundin pa rin ang health protocols.
Sa buong mundo, ang Pilipinas ay pang-27 sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.