US, nakumpleto na ang 3.2 million vaccine donation sa PH

Natupad na ng Estados Unidos ang commitment nito na magbigay ng 3.2 million COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Ito ay matapos matanggap ng Pilipinas ang 1.6 million doses ng Johnson and Johnson vaccines noong Sabado, na bahagi ng second tranche ng donasyon mula sa US sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Unang dumating noong Biyernes ang first tranche o 1.6 million doses.


Ayon kay US Embassy Charges d’ Affaires John Law, bibili ang kanilang bansa at ipapamahagi ang dagdag na 200 milyong Pfizer vaccines sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa katapusan ng 2021, at dagdag na 300 milyong doses ng Pfizer sa unang kalahati ng 2022.

Ang mga dumating na J&J vaccines ay patas na ipapamahagi sa 17 rehiyon sa Pilipinas pero maglalaan ng karagdagang bakuna sa mga lugar na may transmission ng Delta variant, kabilang ang National Capital Region (NCR), Western Visayas, at Northern Mindanao.

Ang tatlong rehiyon ay makakatanggap ng tig-100,000 doses.

Facebook Comments