US, nangako ng higit ₱430 million na pondo para sa maritime law enforcement agencies ng bansa

Nangako ang Estados Unidos na magbibigay ito ng mahigit ₱430 million na pondo para sa pagpapalakas ng kakayahan ng Philippine Maritime Law Enforcement agencies sa bansa.

Ayon sa US, ang pondong ito ay makakatulong sa pagtugon ng ahensya laban sa iligal na pangingisda, pagpapalakas ng maritime domain awareness, at pagkakaroon search and rescue support, partikular sa pinagtatalunang South China Sea.

Dagdag pa ng US, makakatulong din ang kanilang Trade and Development Agency, sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-upgrade at pagpapalawig ng vessel traffic management system nito para sa mas pinahusay na maritime safety at environmental monitoring.


Samantala, sinabi naman ng Washington na maglulunsad ang United States Agency for International Development ng bagong inisyatiba para suportahan ang traditional livelihoods at mapanatili ang fishing practices sa bansa.

Facebook Comments