19 na mga armas isinuko ng NPA sa tropa ng militar sa Samar

87

I-ti-nurnover ng isang myembro ng New People’s Army (NPA) sa 46th Infantry Battalion sa Samar ang 19 na mga baril.

Ayon kay JTF Storm at 8ID Commander Major General Camilo Ligayo, naglakad ng 37 oras si Anthony Encinas a.k.a. Aljur na miyembro ng Bugsok Platoon ng Eastern Visayas Regional Party Committe para isuko ang kanyang armas.

Galing si Aljur sa kanilang hide out sa Basey, Samar patungo sa Brgy. Antol, Calbiga, Samar para i-turnover ang mga baril.


Sa pagsuko ni Encinas sa militar dala nito ang kanyang caliber .45 na pistol at ang iba ay narekober nuong November 20.

Kasunod nito, patuloy ang apela ng militar sa mga rebelde na sumuko at magbalik loob sa pamahalaan upang maging benepisyaryo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

Facebook Comments