US, nararapat lamang na bayaran ang Pilipinas ng higit $3.9 billion – Palasyo

Mariing pinabulaanan ng Malacañang na kinikikilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos nang sabihin niya na dapat magbayad ang US kung nais nilang magpatuloy ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ihayag nina Vice President Leni Robredo at Senator Panfilo Lacson na ‘extortion’ ang pahayag ng Pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nararapat lamang na makatanggap ang Pilipinas ng higit sa $3.9 billion na nakukuha nito mula sa US.


Dagdag pa ni Roque, maliit lamang ang natatanggap ng Pilipinas kumpara sa ibang kaalyado ng US.

Tama lamang ang ginawa ng Pangulo ang singilin ang US dahil ginagawa nila ang Pilipinas bilang “valid military target.”

Batay sa 2018 study ng Stimson Center on Counterterrorism Spending: Protecting America While Promoting Efficiencies and Accountability, ang Pilipinas ay nakatatanggap lamang mula sa US ng $3.9 billion na pang-12 sa listahan ng foreign assistance obligations ng US sa mga bansang mayroong counterterrorism component.

Nangunguna sa listahan ay ang Afghanistan na may $97.8 billion kasunod ang Pakitan na nasa $16.4 billion.

Facebook Comments