US National Security Agency – binalaan ang Pilipinas kaugnay sa panibagong cyber-attacks sa ilang bansa

Manila, Philippines – Nagbabala ngayon ang US NationalSecurity Agency na kasama ang Pilipinas sa mga bansang biktima ng cyber-attacks.
  Kasunod na rin ito ng panibagong cyber-attacks sa ilangmga ospital sa britanya at sa TELECOM giant sa Spain na Telefonica.
  Ayon sa nsa – gumamit ng ransomware technique ang hackerskung saan nila-lock nito ang mga files ng isang user at humihingi ng kabayaransa pamamagitan ng bitcoin.
  Hindi pa tiyak ang lawak ng cyber-attacks pero iniuugnayito sa ilang pananabotahe kabilang na sa Britain at Spain.
  Base naman sa report ng security researcher na si CostinRaiu ng security firm na kapersky, aabot sa 45,000 ang naitala nilang cyber-attacksmula sa wannacry ransomware sa 99 na bansa sa buong mundo.
 

Facebook Comments