US, pinatawan ng sanction ang Turkey

Pinatawan ng Amerika ng sanctions ang Turkey matapos ang ginawa nitong pag-atake sa Kobani, Syria.

Ayon kay US Vice President Mike Pence, nais nilang ihinto ng Turkey ang ginagawang invasion sa Syria at agad na magpatupad ng ceasefire upang masimulan na ang negosasyon ng dalawang bansa.

Sa ilalim ng sanction ay ititigil ng Estados Unidos ang $100 billion trade deal sa Turkey at tataasan pa nila ang steel tariffs ng hanggang 50 porsyento.


Samantala, nagpatupad din ng sanction si US President Donald Trump sa tatlong mataas na opisyal ng Turkey kabilang na ang nasa defense at energy ministries ng Turkey.

Tiniyak naman ni Secretary of Treasury Steven Mnuchin na lubos na maaapektuhan ang ekonomiya ng Turkey kasunod ng kanilang pagpataw ng nasabing sanctions.

Facebook Comments