US Pres. Donald Trump, mag e-extend ng isang araw sa Pilipinas

Manila, Philippines – Kinumpimra ni US President Donald Trump na papalawigin nito ng isang araw ang pananatili sa Pilipinas sa pagdalo niya sa ASEAN Summit.

Sa kaniyang departure speech para sa kanyang 10-day tour sa asya, sinabi ni Trump na magkakaroon siya ng “extra day” sa bansa at umaasang magiging “great success” ang kanyang pagbisita sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang biyahe sa Asya ni Trump bilang pangulo.


Kasama niyang umalis sa White House ang kanyang asawa na si Melanie para sa kanyang pagbisita sa Japan, Republic of Korea, China, Vietnam at Pilipinas.

Facebook Comments