US Pres. Donald Trump, nagbigay ng commitment sa patuloy na magandang relasyon at pagtulong sa Asya

Manila, Philippines – Tiniyak ni President of the United States Donald Trump ang kanyang commitment na makipagtulungan sa mga bansa sa Indo-Pacific o Asia-Pacific region.

Ayon kay Trump, naririto siya sa bansa para igiit na ang Amerika ay nakikiisa sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad at pagtiyak ng `free and open` Indo-Pacific.

Handa rin umano siyang makipagtulungan para sa mga critical issues na kinakaharap ng mga bansa sa Asya at sa paglikha ng forum kung saan pakikinggan ang mga bansa at lilikha mula dito ng mga solusyon para sa pagpapanatili ng kapayapaan at magandang ugnayan.


Mababatid na nabanggit din ni Trump sa pagbisita sa Vietnam sa ginanap na APEC 2017 na handa itong mamagitan sa iringan ng mga bansang nag-aagawan sa South China Sea.

Pinuri naman ni Trump ang Pangulong Duterte sa matagumpay na pagho-host nito ng 31st ASEAN Summit and Related Summits sa bansa.

Binigyang diin ng US President ang mainit na pagtanggap at ang pagiging hospitable sa kanya ng mga Pilipino.

Samantala, bago mag-close door ang ASEAN-US 40th Commemorative Summit ay tumanggi naman si Pangulong Duterte sa pagtalakay sa human rights at sinabing wala naman sila sa isang press conference.

Facebook Comments