UNITED STATES – Hinikayat ni US President Barack Obama ang Democrats na isantabi ang pagkadismaya, kasunod ng pagkakapanalo ni Republican candidate at US President Elect Donald Trump sa eleksyon sa Amerika.Sa kanyang talumpati sa White House, nangako si Obama na magiging maayos ang paglilipat ng kapangyarihan sa kabila ng kanilang pagkakasalungat ng pananaw.Sinabi pa ni Obama, na nagkausap na sila ni Trump at nagpaabot na siya ng pagbati sa pagkakapanalo nito.Inimbitahan din niya sa White House si Trump para sa gagawing transition.Nakausap na rin ni Obama si Democrat Candidate Hillary Clinton at sinabi nitong ipinagmamalaki niya si Clinton bilang kandidato ng democrat at isang mabuting public servant.
Facebook Comments