US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un, magkakaroon ng one-on-one meeting

Kinumpirma ng isang US Senior Administration Official na magkakaroon ng magka-one-on-one meeting sina US President Donald Trump at North Korean Leader na si Kim Jong-Un.

Ayon sa hindi nagpakilalang us senior administration official, magaganap ang ikalawang summit sa February 27 at 28 sa Hanoi, Vietnam.

Pagkatapos ng nasabing one-on-one meeting, tsaka lamang daw ito susundan ng isa pang pulong na kasama naman ang kanya-kanyang team nina Trump at Kim.


Unang nagharap ang 72-year-old US President at 35-year-old Korean Leader noong June 12 sa Singapore ngunit sinasabing maliit na progress lamang hinggil sa denuclearisation ang natalakay dito.

Facebook Comments