US President Donald Trump – bukas sa imbestigasyon kasunod ng pagsibak sa direktor ng FBI

Amerika – Handang sumailalim sa imbestigasyon si President Donald Trump kasunod ng pagsibak kay FBI Director James Comey.

Pinanindigan ni Trump na matagal na niyang gustong sibakin sa puwesto si Comey kahit hindi pa maglabas ng rekomendasyon si Deputy Attorney General Rod Rosenstein.

Naniwala rin si acting FBI director Andrew Mccabe na mahalaga ang isinagawang pagsibak dahil halos lahat ng mga empleyado ng FBI ay hindi na naniniwala sa kaniya.


Magugunitang sinibak ni Trump si Comey dahil sa kapabayaan sa imbestigasyon sa pangingialam ng Russia sa US elections.

Umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon dahil sa magkakaibang pahayag ng mga top aides ni Trump, advisers at maging si Vice President Mike Pence.

DZXL558

Facebook Comments