World – Hindi na sesertipikahan ni US President Donald Trump ang planong nuclear deal sa bansang Iran.
Ayon kay Trump, hindi siya interesado sa nasabing usapin na unang inaprubahan noong panahon ni dating Pangulong Barrack Obama dahil hindi naman daw ito para sa kapakapanan ng kanilang nasasakupan.
Dagdag pa ni Trump, ipapaubaya na lamang niya sa kongreso kung saan mayroon silang 60 araw para repasuhin at pag-usapan ang naturang deal.
Sinabi naman ni White House Press Secretary Sarah Sanders, hindi na mababago ang naging desisyon ng pangulo at kaniya na lamang daw iaanunisyo ang iba pang plano nuclear deal sa mga susunod na araw.
Facebook Comments