Karamihan sa Atin ay Wantreprenuers – Winston Singun

Cauayan City, Isabela – Marami sa mga Pilipino ang nagnanais magnegosyo ngunit sila ay itinatali ng takot at pangamba.

Ito ang isa sa mga bahagi ng presentasyon ni Mr Winston Singun, pinuno ng ang Business Division ng Department of Trade and Industry Cagayan sa kanyang lecture sa pangalawang araw ng 17th national PESO Congress sa Cauayan City, Isabela, Oktobre 5, 2017.

Dahil dito, ang kagustuhang magnegosyo ay hanggang isip lamang dahil kinakailangan pang baguhin ang takbo ng isip ng lahat ng mga wantrepreneurs. Ayon sa kanya, bagamat may kagustuhang magnegosyo ay di naman ito natutupad dahil takot at iba pang mga bagay.


Sa kanyang pagpapaliwanag sa harap ng halos isang libong kalahok sa PESO Congress sa FL Dy Colliseum ay kanyang binanggit na mindset change ang unang hakbang sa pagnenegosyo.

Isa sa mga inihalimbawa niya na mga matagumpay na negosyante ay si Ginang Julia Gandionco na nagmamay ari ngayon ng 500 sangay ng panaderya na nagsimula sa pagiging concessionaire sa isang construction site na noon ay binibili lamang ang tinapay na pinamemeryenda sa mga trabahador hanggang siya ay pinayuhan ng isang panadero na magtayo na lang ng sariling bakery na siyang nagpaiba sa kanyang kaisipan o mindset.

Isa pa sa kanyang inihalimbawa ay ang kuwento nina Rudy at Rosiell de Leon kung saan ay biglang nawalan ng trabaho ang mister at nawalan sila ng pambayad sa buwanang amortization ng kanilang bagong bahay. At sa halagang P 20.00 ay ibinili ng plastik para gumawa ng ice water na lumago at ngayon ay gumagawa sila ng 63,000 na ice candy bawat araw sa presyong P 3 o 5 pesos. Napilitan silang magpalit ng mindset dahil sa sitwasyon at pangangailangan.

Sinabi niya sa kanyang presentasyon na ang kinakailangan lamang sa isang wantreprenuer upang maging entrepreneur ay baguhin ang takbo ng isip at makahakbang patungo sa pagtatatag ng negosyo.

Kasama ang pananalita ni Ginoong Singun sa mga nakalinyang programa ng kasalukuyang 17th PESO National Congress sa Lungsod ng Cauayan, Isabela mula Oktubre 4 hanggang 6 2017.

Facebook Comments