World – Pinayuhan ni US President Donald Trump si Chinese President Xi Jinping na gumawa ng agarang aksiyon sa isinasagawang missile tests ng North Korea.
Sa G20 o Group of 20 Summit sa Germany, sinabi ni US President Trump kay Xi na kailangang kumilos na ang China dahil sa bantang dulot ng missile tests ng Pyongyang.
Sinabi ni Trump na sa pagsisimula ng kanilang pagpupulong ay nagkaroon sila ni Xi ng umano’y “wonderful relationship.”
Maliban sa isyu ng missile tests ng North Korea, napag-usapan din umano sa summit ang pagresolba sa trade issues.
Samantala, inulan naman ng mahigit 50,000 katao ang Hamburg para mag-protesta.
Kabilang dito ang mga sumusuporta sa migrant rights, Kurdish independence, LGBT rights at mga environmentalist.
Umaasa ang mga ito na mapakikinggan ang kanilang mga hinaing sa naganap na pag-uusap sa pagitan ng mga bigating bansa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558