US President Donald Trump, naalarma sa pinakawalang hydrogen bomb ng North Korea

Amerika – Nababahala si US President Donald Trump sa pinakawalang hydrogen bomb ng North Korea.

Sa mga pinost na tweet ni Trump, sinabi nitong masama at mapanganib para sa Estados Unidos ang panibagong major nuclear test ng NoKor.

Una rito, kinondena rin ng ilang bansa ang hydrogen bomb test ng NoKor.


Sabi ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe, hindi nila babalewalain ang ginawa ng Pyongyang.

Habang nagpatawag naman ng emergency meeting si South Korea President Moon Jae-In para magbigay ng alerto sa SoKor military.

Hinikayat naman ng China ang Pyongyang na tigilan na nito ang mga mali nitong ginagawa.

At tinawag namang “reckless” ni UK foreign secretary Boris Johnson ang nuke test ng NoKor.

Facebook Comments