US President Donald Trump, pinayuhan ni Chinese President Xi Jinping na mag-ingat sa pananalita

World – Pinayuhan ni Chinese President Xi Jinping si US President Donald Trump sa isang phone call na iwasan ang pagsasalita ng posibleng magpapalala ng tensiyon sa pagitan ng US at North Korea.

Ito ay naganap ilang oras matapos magbanta si US President Trump sa North Korea na “locked and loaded” ang kanyang militar.

Ayon pa sa foreign ministry ng China, sinabi ni Xi kay Trump na pwede pang maidaan sa mapayapang usapan ang nuclear issue ng North Korea.


Umaasa naman ang South Korea Presidential Blue House na ang naganap na pag-uusap sa telepono ng China at US ay makakatulong para sa pagresolba ng krisis sa North Korea.

Maalalang nagbanta ang Pyongyang na maglulunsad ang mga ito ng apat na intermediate-range missiles ngayong mid-August malapit sa US Pacific Island Territory ng Guam.

Facebook Comments