US President Donald Trump, pinuri ang Pilipinas dahil sa pagiging “regional leader”

Manila, Philippines – Sa talumpati ni President Trump sa Asia-Pacific Economic Cooperation CEO Summit – sinabi ng leader ng Amerika ang Pilipinas sa pagsasara ng gender gap sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan.

Ayon kay Trump – laging napapasama ang pilipinas sa listahan ng World Economic Forum ng Top Asian Countries na nagwawaksi sa gender gap.

Aniya, umusbong na ang Pilipinas bilang isang “proud nation of strong and devout families.”


Sa labing isang magkakasunod na taon aniya ay nangunguna ang Pilipinas sa pagtanggap sa mga babaeng leaders sa larangan ng negosyo at politika.

Facebook Comments