Sanggol, isinilang na apat ang kamay at paa sa Isabela

Malig, Isabela – Isang sanggol na lalaki ang isinilang na mayroong apat na kamay at apat na paa.

Ikinagulat din ng mga doktor ang baby dahil isinilang din siya na dalawa ang ari.

Isang sanggol pa umano na hindi nabuo ang nasa dibdib ng baby.


Ayon sa nanay ng sanggol – normal ang naging pagbubuntis niya at wala din umanong naging problema sa resulta ng ultrasound.

Hindi pa naman natutukoy ng doktor kung anong resulta ng kondisyon ng bata.

Facebook Comments