UNITED STATES – Pagkakaisa sa lahat at papuri sa kanyang katunggaling si Democratic candidate Hillary Clinton ang naging mensahe ng bagong halal na Pangulo ng Amerika na si Donald Trump.Hiningi naman ni Trump ang tulong ng mga hindi sumuporta sa kanya para mapag-isa ang Amerika.Anya, panahon na para mag-move on ang lahat sa sugat na dulot ng kanilang kampanyaTarget ni Trump, na tutukan ang mga imprastraktura at kapakanan ng mga veterans.Ilulunsad din niya ang proyekto para sa national growth at renewal, dodoblehin ang kanilang economic growth at bibigyan ng trabaho ang mga mamamayan.Si Trump ang kauna-unahang magiging Pangulo ng Amerika na walang anumang karanasan sa public office.Si Trump ang ika- 45 Pangulo ng US, kapalit ni President Barack Obama na bababa sa White House sa January 2017.Magiging Vice President naman ni Trump ang kasalukuyang Indiana Governor na si Mike Pence.Nakuha ni Trump ang 288 na mga electoral votes matapos na manalo sa popular vote sa 26 na mga estado habang si Clinton ay nakakuha ng 218 electoral votes.
Us President Elect Donald Trump, Nanawagan Ng Pagkakaisa Sa Kanyang Mga Kababayan Para Mapag-Isa Ang Amerika
Facebook Comments