US President Joe Biden, bumubuti na ang kalagayan matapos magpositibo sa COVID-19

Gumaganda na ang kondisyon ni US President Joe Biden matapos na magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa presidential physician na si Dr. Kevin O’Connor, nag-improve na ang key vital signs ng 79-year-old US leader.

Sinabi ni O’Connor na kahit nakakaranas si Biden ng ubo, sipon at mabilis na pagkapagod ay nananatiling normal ang kanyang pulso, blood pressure, respiratory rate at oxygen saturation.


Kasabay nito, tiniyak ng white doctor na nakatutok silang mabuti sa kalagayan ni Biden kung saan patuloy na pinapainom ito ng antiviral pill na Paxlovid para mabawasan ang paglala ng COVID-19.

Facebook Comments