College of Saint Benilde, itinanghal na kampyeon sa NCAA Season 97 Womens Volleyball

59

Matapos ang season 91, naibalik na ngayon ang kampyeonato sa College of Saint Benilde.

Ito ay matapos na talunin ng Saint Benilde at agawin ang titulo sa Arellano University dahilan para itanghal sila na kampyeon sa kakatapos lang na NCAA Season 97 Women’s Volleyball Tournament.

Dinomina ng Saint Benilde ang Game 2 ng finals nitong Biyernes matapos na makuha ang score na 26-24, 25-12 at 25-9.


Tinanghal na MVP si Gayle Pascual ng CSB Lady Blazers na magpakawala ng 14 puntos habang nag-ambag din ng puntos sina Jade Gentapa at Cristy Ondangan.

Nanguna naman sa Arellano si Pauline De Guzman na gumawa ng 10-puntos.

Facebook Comments