Nasa Pilipinas na si United States Secretary of Defense Lloyd Austin bilang bahagi ng kanyang serye ng pagbisita sa mga bansa sa Asya.
Unang binisita ng US Official ang punong tanggapan ng Armed Forces of the Philippines – Western Mindanao Command o AFP – WESMINCOM sa Camp General Basilio Navarro sa Zamboanga City.
Dito, sinalubong siya nila AFP Chief of Staff, Gen. Andres Centino gayundin ni WESMINCOM Chief, Lt. Gen. Roy Galido.
Una rito, bumisita muna si Sec. Austin sa South Korea bilang bahagi ng hakbang ng Amerika na palakasin ang alyansa nito.
Nabatid na ito na ang ikalawang pagbisita ng US Official mula noong 2021 at kauna-unahan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Facebook Comments